Ayon sa isang survey ng Capstone-Intel Corp., 72% ng mga Pilipino ang naniniwalang ang teenage pregnancy ay isang seryosong isyu sa kanilang komunidad. Ang survey, na isinagawa mula Setyembre 20 hanggang 27, 2023, ay may kabuuang 1,210 na sumagot.
Samantala, 21% ng mga lumahok ang nagsabing ito ay isang katamtamang problema, habang 6% lamang ang hindi nakikita ito bilang isang mahalagang suliranin. Ang natitirang porsyento ay hindi tiyak kung may malaking epekto ito sa kanilang lugar.
Ayon kay Dr. Bernadette Madrid, pinuno ng Philippine General Hospital Child Protection Unit, “Teenage pregnancy is a significant public health issue that can have long-term impacts on both young parents and their children.” (Ang teenage pregnancy ay isang mahalagang isyu sa pampublikong kalusugan na maaaring magdulot ng pangmatagalang epekto sa parehong mga batang magulang at kanilang mga anak.)
Bukod dito, natuklasan sa survey na 61% ng mga lumahok ay nakatanggap ng pormal na edukasyon tungkol sa sexual health at contraception noong sila ay mga tinedyer. Gayunpaman, 31% ang hindi nakatanggap ng ganitong edukasyon, habang 7% naman ang hindi tiyak kung sila ay naturuan ng ganitong impormasyon.
Idiniin ni Madrid na “The survey highlights that lack of comprehensive sex education is seen as the top contributing factor to teenage pregnancy, with 76% of respondents providing this answer.” (Ipinapakita ng survey na ang kakulangan ng komprehensibong sex education ang pangunahing dahilan ng teenage pregnancy, ayon sa 76% ng mga lumahok.) Binigyang-diin din niya na ang teenage pregnancy ay may kaugnay na panganib sa kalusugan, kabilang ang komplikasyon sa pagbubuntis, maagang panganganak, at mababang timbang ng sanggol sa pagsilang.
Bilang tugon sa isyung ito, ipinahayag niya ang kahalagahan ng mas malawak na edukasyon sa reproductive health at pagpapabuti ng access sa mga kaukulang serbisyo. “Strengthening widespread sex education and improving access to reproductive health resources can play a crucial role in preventing these risks and ensuring better health outcomes for future generations,” (Ang pagpapalakas ng malawakang sex education at pagpapabuti ng access sa mga mapagkukunan ng reproductive health ay maaaring makatulong sa pagpigil sa mga panganib na ito at sa pagtiyak ng mas mabuting kalusugan para sa susunod na henerasyon,“) aniya.