MANILA, Pilipinas – Nagbitiw na bilang Cabinet Secretary si VP Sara Duterte ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,
Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil noong Miyerkules, Hunyo 19, na nagbitiw si Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at bilang Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict noong 2:21 pm sa parehong araw.
Tinanggap ni naman ni Pangulong Marcos ang pagbibitiw na ito.
“She declined to give a reason why. She will continue to serve as Vice President. We thank her for her service,” saad ni Garafil.
Sa isang press conference pagkatapos ng kanyang pagbibitiw, hindi rin nagbigay ng dahilan si Duterte para sa kanyang pag-alis sa Gabinete ni Marcos ngunit sinabi na ang hakbang na ito ay hindi tanda ng kahinaan.