Sen. Robin, Tinulak ang Pag-Amyenda sa Saligang Batas para Tiyakin ang Independence ng CHR

Para tiyakin ang independence ng Commission on Human Rights (CHR), itinulak ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang pagdeklara nito bilang “independent office” sa pamamagitan ng pag-amyenda sa 1987 Constitution. Ihinain ni Padilla nitong Lunes ang Resolution of Both Houses No. 11, na aamyenda sa Sec. 17 (Human Rights) ng Art. XIII (Social Justice and […]

“Mahigit 300 Sasakyang Pandagat, Sasali sa 2025 Fluvial Procession sa Cebu City”

CEBU CITY, Philippines — Kabuuang 305 sasakyang pandagat ang nakatakdang lumahok sa taunang Fluvial Procession na magsisimula nang maaga sa Sabado ng umaga, Enero 18, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-460 Fiesta Señor. Ayon sa Philippine Coast Guard sa Central Visayas (PCG-7), natapos na ang pagpaparehistro ng mga sasakyang pandagat noong Enero 11. Ang pagpaparehistro, […]

K-Pop Nanguna sa Facebook Engagement noong 2024

Patuloy na namayani ang K-Pop sa social media engagement, partikular na sa Facebook, sa buong taong 2024, ayon sa ulat ng research firm na Capstone-Intel Corporation. Mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2024, nakapagtala ang K-Pop ng 34,195 posts na umani ng mahigit 564,000 comments, halos 1.8 milyong shares, at higit sa 19 milyong reactions, […]

Court Orders RCBC to Unfreeze Philippine Sanjia Steel Corporation Account

Court Orders RCBC to Unfreeze Philippine Sanjia Steel Corporation Account Cagayan de Oro City, Misamis Oriental — The Regional Trial Court of Misamis Oriental, Branch 41, issued a decisive order on December 23, 2024, reiterating its earlier resolution and temporary restraining order (TRO) to enjoin Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) and its Lapasan Business Center […]

Pagtaas ng Presyo ng Langis Simula sa 2025, Inanunsyo ng mga Retailer

Inaasahan ng mga motorista ang pagtaas ng presyo ng langis ngayong linggo matapos mag-anunsyo ang ilang mga retailer ng taas-presyo noong Lunes bilang panimula ng 2025, kasunod ng rollback na ipinatupad noong nakaraang linggo. Sa magkakahiwalay na abiso, kinumpirma ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na itataas nila ang presyo ng gasolina at […]

Pagsibak kay Herbosa at pagbalik ng Philhealth subsidy sigaw ng labor at health workers

Isang malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, health workers at medical advocates sa Mendiola Manila kahapon upang igiit ang pagbibitiw ni Health Secretary Ted Herbosa at pagbabalik ng Philhealth subsidy sa ilalim ng 2025 national budget. Nasa 1,000 miyembro ng Nagkakaisang Mamamayan para sa Pangkalusugang Pangkalahatan ang sabay sabay na […]

Panukala ni Sen. Robinm Ibabalik sa Gobyerno ang Mga ‘Devolved’ na Agricultural Functions

Dahil balakid sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng serbisyong agrikultural ang problema tulad ng kakulangan ng pondo at pulitika, iminungkahi ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang pagbalik ng mga serbisyong ito sa pambansang pamahalaan. Ihinain ni Padilla nitong Lunes ang Senate Bill 2904, na aamyenda sa Republic Act 7160 (Local Government Code) […]

Sen. Robin: Hindi na Dapat Patagalin Pa ang Pangako sa Nagbalik-Loob

Hindi na dapat patagalin ng pamahalaan ang pinangako nitong tulong para sa mga dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) na nakinabang sa programang amnestiya. Iginiit ito nitong Martes ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla, matapos ang kanyang consultative meeting sa mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in […]